ANG SIERA MADRE NA BIYAYA NG TAAS
Ang Sierra Madre ay ang pinakamahabang bulubundukin sa Pilipinas. Bumabagtas mula sa lalawigan ng Cagayan sa hilaga at Quezon sa timog, binubuo ng mga bundok ang silangang pundasyon ng Isla ng Luzon, ang pinakamalaking pulo ng kapuluan. Kahangga nito ang Karagatang Pasipiko sa silangan. Ang baybaying Pasipiko ng Luzon sa may Sierra Madre ay di-gaanong maunlad dahil binubuo ng mga matayog at tuloy-tuloy na kabundukan ng baybayin na makapal at mahirap puntahan, na nakalantad sa buong puwersa ng hilaga-silangang balaklaot at mga alon ng Karagatang Pasipiko.Napakalayo ang mga iilang komunidad sa silangan ng bulubundukin at sa may babayin na mapupuntahan lang sila sa pamamagitan ng eroplano o barko. Ang pinakamalaking protektadong lugar ng bansa, ang Likas na Liwasan ng Hilagang Sierra Madre, ay matatagpuan sa hilagang bahagi ng bulubundukin sa lalawigan ng Isabela. Ang liwasan ay nasa pansamantalang talaan ng UNESCO upang itatak sa Talaan ng Pandaigdigang Pamana. Hinihimok ng mga makakalik...